Tingin tingin din kasi sa iba pag may time, wag sa iisa lang
May mga taong ikaw lang ang pinagiinitan, dahil sayo lng naka-focus ang pagkakamali mo. Ni-minsan ba tinignan mo yung ibang tao kung naiirita sayo? Di mo kasi alm kahit yung nakakasama mo ngayon eh naiinis din sayo. Masyadong makitid yang utak mo at hindi ako magkasya.
escaping reality;: "Inhale Love, Exhale Hate."
Bakit kaya ganun? Karamihan sa mga tao, pagkatapos magdaan sa isang relationship ay nagiging bitter? Ang ilan sa kanila, nagagalit sa ex, hindi makamove-on, takot muling pumasok sa panibagong relasyon o kaya worse.. na-trauma nang umibig.
Bakit? Bakit nga ba? Yung iba, bitter dahil Mahal pa nga…
yung mga taong may bf/gf na lumalandi pa din sa iba.
oh ano? takot ka iwan ng isa? matuto kang makuntento at kung may tiwala ka talaga dun sa kinakasama mo ngayon, hindi mo na gagawing lumandi pa sa iba. jan nagsisimula ang pagiging two timer. opinion ko lang ‘to ha.
Hindi na mahalaga kung hindi ka tanggap ng iba.
Hindi lahat ng tao map-please natin. Hindi lahat ng tao kaya tayong tanggapin kung ano tayo. Hindi mo kailangang mag-adjust para sa kanila. Hindi na mahalaga kung sa tingin ng iba mabuti/masama kang tao. Ipagpatuloy mo kung ano ka, ang mahalaga alam mo sa sarili mo na tama ang mga ikinikilos mo.
Alam mo kung ano ang mahalaga? Ang tanggapin mo sa sarili mo kung ano ka.
Makasarili.
Aminin mo sa sarili mo, minsan nagiging makasarili ka na. maski ako, halos lahat naman tayo.
Bakit ba tayo nagiging makasarili?
kasi gusto natin tayo lang lagi yung angat sa kanila, tayo lang lagi yung lamang. minsan sa buhay ko naging makasarili ako sa maraming bagay. hindi ko iniisip yung ibang tao, yung mga mararamdaman nila. wala akong pakialam kung masaktan man sila o ano. basta ang iniisip ko sarili ko lang. hindi ko iniisip lahat ng sinasabi ko sa kapwa ko.
Ang sama sama ko dati. ewan ko ba, pero thank God ok na ako ngayon, minsan na lang ako maging makasarili.
wag na wag kayong magiging makasarili kung ayaw niyong mawalan ng kaibigan.
Sa highschool, di mawawala ang:
- Echo - Yung pag may sumigaw yung teacher niyo ng “Tumahimik kayo!” tapos may isang sisigaw ng Oy tumahimik daw kayo sabi ni Ma’am/Sir!
- Hitler - Ang mga teacher na nagbubuga ng usok ang ilong. Pagkapasok pa lang ng room ay tiklop na ang mga estudyante.
- Timawa - Ang mga kaklase mong nakaupo lang tuwing recess. Tapos biglang tatayo kapag may nakita ng prospect: Ang mga may pagkain. Habit nila ang manghingi ng foods ng may foods.
- Dora Godonghae - Yung mga may sariling mundo. Nasa isang tabi lang kadalasan habang yung iba ay nag-iingay. Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip niya. May potential na maging killer to someday. Kidding!
- Kimi Godonghae - Ang mga matatalinong maharlika. Sila ang mga nangunguna sa class standing pero nangmamaliit sa mga nakakababa sa kanila. Competitive sila at ayaw nilang natataasan ng iba.
- Bill Gates - Sila ang mga matatalino pero tamad magsisipag-aral. Kadalasan pala-absent pero ang nakakabilib sa kanila ay pag pumasok sila nakakasunod agad sila sa lessons.
- Flying Saucer - Pambansang meryenda ng mga bata. May variations ito, pwedeng ham, ham&cheese, tuna, cornedbeef, egg, cheese, brownpaper ang mga palaman.
- Tuhog-tuhog - Tuhog here, tuhog there. Ang after school fiesta ng mga highschool student. Kung anak mahirap ka, fishball ang bibilin mo para sulit, mura na marami pa. Kung galante, magkekwekkwek ka o kaya kikiam. May libreng bola ka pa sa mga tropa mo pag nanlibre ka.
- Cutting classes - Imbes sa pinto ng room ay sa pinto ng mall o kaya ng internet shop papasok. Ang perang pambili sana ng saucer ay ipangbabayad sa rent ng computer at pusta kung saka-sakaling meron man. Ang ilan ay sa panggala gala magagastos.
- Ang kalawang sa polo/blouse mo - Hanggang ngayon ay namimisteryosohan pa rin ako kung saan nangagaling yung orange na mantsa sa uniform ko nung highschool.
- Feeling na natatae ka -Aminin mo, lahat tayo dumaan dito. Yung iba nakakaya, napipigil. Pero sadly yung iba hindi na umaabot. Nung highschool kami, may natae sa labas ng room namin. At mga gago, hindi ako yun.
Kung may Photoshop sana sa totoong buhay.
Ang sarap siguro kung may photoshop sa totoong buhay. Hindi para pagandahin kung ano mang pisikal na kaanyuan natin, pero palagay ko magiging useful ang mga tools niya sa pang araw-araw nating buhay.
Ang sarap lang gamitan ng blur-tool yung mga bagay-bagay na ayaw nating makita. Yung mga taong gusto nating kalimutan. Yung mga masalimuot na eksena. Yung nanay kong epal. Mga kaaway mong nakakasalubong. Atlis, mababawas ka pa ng sakit at galit.
Gusto ko ding gamitin ang color-correction option para sa mga panahong ang boring boring. Yung tipong pag pinicturan ay parang ang dull ng kulay, kaya naman ang resulta, nakamamatay na boredom. Sana pwedeng i-lighten, tapos i-bloom, para masigla tignan.
Sa mga panahong mag-isa tayo, dapat gamitin ang clone-tool. Oo. Iko-clone ko sarili ko. Pumoporeber alone, pero hindi na. Atlis, may kasama ka. Parang ano kaya feeling makausap sarili mo, tapos maka-bonding mo pa ano. Haha.
Sa mga ayaw nating kasama sa buhay pero wala tayong magawa, nandyan ang cut tool. Madali lang sana sila tanggalin sa scenario. Pagkatapos ang sarap nila i-paste sa mga lugar na maghihirap sila.
Sana nga, may photoshoplife din. Kung magre-release man ng ganun, pagkakaguluhan siguro ng tao. Ang kaso wala. Kaya tiis-tiis din. Tiis-tiis sa mga nakikitang masakit. Tiis-tiis sa mga boring na araw. Tiis-tiis sa pag-iisa. Tiis-tiis sa mga walang kwentang tao.

